Activities

Introduction

Ngayong darating na Araw ng Kalayaan 2024, abangan ang mga tampok nating patimpalak na magpapakita ng husay, kisig at galing ng lahing Pilipino! Heto ang dalawa sa sampung atraksyon na maari nating mapanuod mula Hunyo 10 hanggang 12!

Kalayaan Course

Gaya ng ating mga bayani, masusubukan ang liksi, kisig at lakas ng katawan ng Pinoy sa isang mala ‘Ninja Warrior’ na obstacle course race.

Ang kompetitsyon ay bubuksan sa iba’t ibang antas ng galing – professional, amateur at bata mula sa anumang bahagi ng bansa! Ang pagrehistro para makasali ay magsisimula sa buwan ng Abril 2024.

Like our heroes, the agility, elegance and strength of the Filipino body will be tested in a ‘Ninja Warrior’-like obstacle course race.

The competition will be open to different skill levels – professional, amateur and children from any part of the country! Registration to participate will begin in the month of April 2024.

Filipino Kusina Warrior

Kilalanin ang pinaka-masarap na adobo at pancit sa buong Pilipinas sa isang paligsahan ng pagluluto! Mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, maglalaban-laban ang piling kalahok upang makamit ang titulong Filipino Kusina Warrior! Ipagdiwang ang pagkaing Pinoy na nagbibigay ng kulay at pagkakakilanlan sa ating lahi sa buong mundo!

Taste and recognize the most delicious adobo and pancit in the whole Philippines through a cooking contest! From different regions of the country, selected participants will compete to win the title of Filipino Kitchen Warrior! Celebrate Filipino food that gives vibrance and identity to our race around the world!

A-tapang A-tao! Chili Fest

Itatampok sa pagdiriwang na ito ang iba’t-ibang uri ng sili mula sa mga magsasaka ng Luzon, Visayas, at Mindanao! Masusubok dito ang tapang ng “Bagong Pilipino” pagdating sa paanghangan ng dila kung saan maglalaban-laban ang mga kalahok at matutunghayan kung sino ang matitirang matibay sa pagkain ng nag-aanghangang mga putaheng Pilipino at chili pods.

Bibida rin ang pinakamagagandang sili mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa! Tunay na simbolo ang anghang ng mga siling ito sa naglalagablab na tapang ng Pilipino, anumang pagsubok ang dumaan!

This festival will feature different types of chilies from the farmers of Luzon, Visayas, and Mindanao! Here, the courage of the “Bagong Pilipino” will be pushed to the absolute limit as far as their threshold for heat goes. We will see who can survive the elevated heat levels while eating amazing Filipino dishes and chili pods.

The best chilies from different regions of the country will also be featured! The heat from these chilies symbolize the burning courage of the Filipino people, no matter how difficult life gets!

Kalye Kasaysayan

Maglakad tungo sa mundo ng nakaraan at sariwain ang kabayanihan ng ating mga ninuno upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas. Balikan ang mga sakripisyo, kadakilaan, pagpupursige at pagkakaisa ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa upang masupil at mapatalsik ang pamahalaang kolonyal ng Espanya. Tiyak na mabubuhay at mag-aalab ang pagmamahal sa “Perlas ng Silangan” sa mga kwentong ito!

Welcome to a world that whispers of our past and relive the heroism of our ancestors who were instrumental in achieving Philippine independence. Let us remember their sacrifices, greatness, and perseverance, which united Filipinos from different regions to subdue and overthrow the Spanish colonial government. Our burning love for the “Pearl of the East” will be set ablaze in these stories!

Sine-Klasiks

Manood, maaliw at matutunan ang kasaysayan ng kasarinlan Pilipinas sa pamamagitan ng natatanging mga palabas na tiyak na magmumulat sa diwa at pusong makabayan ng mga Pilipino. Eksklusibong mapapanood muli ang tatlong pelikulang pangkasaysayan—ang Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, at Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Watch, be entertained and learn the history of Philippine independence through exquisite movies that will surely awaken the spirit and patriotic hearts of all Filipinos. Three historical films—Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, and Bonifacio: Ang Unang Pangulo—will be shown exclusively at the event.

Love Lokal Tiangge

Bibida ang pagkamalikhain ng “Bagong Pilipino” sa mga kakaibang disenyonng likha mula sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Masisilayan ang mga natatanging sining na hatid sa atin ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), tattoo artists, at mga komunidad sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at Centers and Residential Care Facilities (CRCF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tangkilin ang sariling atin!

The creativity of each “Bagong Pilipino” from different corners of the country will be showcased through their designs and creations. The unique arts and crafts will be brought to us by :  Persons Deprived of Liberty (PDL), Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), tattoo artists, and communities under the Sustainable Livelihood Program (SLP) and Centers and Residential Care Facilities (CRCF) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD). Join us in supporting our very own!

Alice Reyes Dance Philippines

Tunghayan ang natatanging pagtatanghal ng primyadong mga mananayaw sa pamumuno ng national artist for dance na si Alice Reyes at ang Alice Reyes Dance Philippines.  Mapapanood ang kanilang palabas sa entabladong eksklusibo para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan!

Watch the unique performance of award-winning dancers led by the national artist for dance, Alice Reyes and Alice Reyes Dance Philippines. Catch their exclusive performance for the Independence Day celebration!

Musikalayaan

MUSIKALAYAAN

Lasapin ang tamis ng ating kalayaan sa pamamagitan ng musikang hatid ng MusiKalayaan! Makikanta at makisaya kasama ang mga magagaling at sikat na banda, singers, at iba pang musikero sa ating bansa ngayon! Libre ito para sa lahat mula June 10-12, 2024. Huwag palalagpasin at sabay-sabay nating ipagdiwang ang Kalayaan ng Pilipinas!

Savor the sweetness of our freedom through the music brought by MusiKalayaan! Sing and enjoy with the hottest and greatest bands and musicians in the country today. It’s free for everyone from 10-12 June 2024. Don’t miss the opportunity to celebrate Philippine Independence together!